Mga Tambay | Chapter 6: Badjao
Badjao Si Jun at ang kanyang kapatid na si Makoy ay lumaki na wala ang kanilang mga magulang. Iniwan ng nanay ang dalawang magkapatid sa barong-barong nilang bahay sa squatter's area sa Brgy. Lag-asan . Tanging si Jun ang nag hanap buhay sa murang edad, hanggang nakatuklas ito ng mas madaling paraan upang magka pera. Nagsimulang mag nakaw si Jun, ilang beses na rin siyang nahuli at nilagay sa crisis center ng Bago City at tumatakas ito palagi dahil naman ganun ka higpit ang pamahala ng institusyon. Nang naging binatilyo si Jun batak ang katawan nito sa trabaho, nakilala niya ang ibat ibang mga kaibigan niya at kasama na doon si Teroy. Si Teroy ay mas nakakatanda kay Jun kaya siya ang nag silbing taga turo sa kung anu-anong bagay sa binatilyong Jun. Si Teroy din ang nagsimula ng chapter ng TBS 13 sa parte ng probinsyang ito. Ibat ibang racket ang pinasokan nito at isa na doon ang magbenta ng ipinagbabawal na gamot. At sa ngayon pa sikretong nina...