Posts

Showing posts from July, 2025

Mga Tambay | Chapter 10: Till we meet again (Finale)

Image
Adobo Connection (Final Chapter) Nagising si Mary sa banig, sa loob ng kamalig ni Jun. Mainit sa paligid. Walang electric fan, hangin lang mula sa maliit na bintana na may nakasabit na sando. Amoy pawis, yosi, at halo-halong singaw ng katawan at gabi. Nakatakip pa rin sa kanya ang manipis na kumot. Nakaangat ang isang paa at ramdam niyang wala siyang suot kahit ano bago matulog. Malagkit pa rin ang balat niya, lalo na sa leeg at pisngi. Tuyo na pero alam niyang may naiwan pa mula sa nangyari kagabi. Napailing siya ng bahagya at tumingin sa itaas. Walang kisame ang kamalig. Luma na ang yero, may kaunting butas, at may mga parte pang kalawangin. Sa labas, may naririnig siyang mga yabag sa lupa, mahihinang kantyawan, at tugtog mula sa speaker na basag ang tunog. Bumukas ang kurtina. Si Jun, hawak ang kape sa isang kamay at nagyoyosi sa kabila. "Gising ka na pala," sabi niya. Walang ngiti, pero nakatingin siya na parang sinasadya niyang ipaalala ang lahat ng nangyari kagabi. N...